Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Lovi Poe nagpa-sexy na!
By Ceasar Pambid

Sep 10, 2010

Hitsurang kahit anong pangungulit walang makuhang sagot mula kay Lovi Poe tungkol sa kanyang napabalitang muling pagdalaw kay Ronald Singson sa Hongkong. Like we say, medyo may pagkasinugaling naman si Lovi kaya wala talagang makukuhang totoong sagot sa kanya.

Basta’ng malinaw, hindi niya maikakailang sila na nga ni Ronald at nasa seryosong stage na’ng kanilang relasyon.

Seryoso daw, o! whatever that means!

Quiet nga si Lovi Poe sa tsikang pumuslit siya kamakailan para muling dalawin ang rumored boyfriend na si Rep. Ronald Singson sa Hong Kong.

As we all know, nakakulong doon si Rep. Ronald dahil sa drug charges.

Unang pumunta si Lovi roon kasama si dating Gov. Chavit Singson, tatay ni Rep. Ronald, para dumalo sa pagdinig ng kaso.

Hindi iyon naitago sa media dahil may mga footage at litrato na lumabas sa TV at print.

This time, tumanggi ang dalagang kumpirmahin o pag-usapan pa ang napabalitang pagbalik niya sa HK, at maging ang manager niyang si Leo Dominguez, nakiusap na huwag na lang iyon pag-usapan sa mini-interview na ginawa kahapon para sa billboard launch ni Lovi para sa Bench.

Speaking of her daring billboards (tatlo raw iyon at ang isa’y ilo-launch sa may Guadalupe bukas, Sept. 10), kapansin-pansin ang todong pagpapa-sexy na ginawa ng batang aktres.

Kapansin-pansin din ang malaking pagkakahawig niya sa dating aktres na si Patricia Javier.
Palaban na nga si Lovi sa sexy poses lalo pa nga’t Bench Body ang kanyang iniendorso.

Sa tanong kung hindi ba siya naaalarma sa biglaang pagma-mature ng image, “I’m not 16 anymore” ang isinagot ng dalaga.

“No, they look innocent naman, light pa rin ang make-up while showing a little side of being a woman,” dagdag niya.





Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions