Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Dalawang milyon para maibalik ang golden voice ng Superstar!
By Ceasar Pambid

Sep 10, 2010

Posible ba talagang maibalik pa’ng dating magandang boses ni Nora Aunor. She used to have a golden voice hanggang sa maabuso ito at umabot nga sa puntong garalgal na’ng tinig ni Aunor. Sinabayan pa yan ng di umano’y lalong pagkasira ng boses niya nang ipaopera niya’ng mukha upang magbalik ang kanyang kagandahan. Pero meron ba talagang operasyon na ganito? Paano kaya ‘yun?

Nangangailangan ?daw ng tumataginting na $40,000 o humigit kumulang sa P2-M si Nora Aunor para sa gagawing operasyon nito sa nasirang boses. Ito ang kuwento ni Kuya Germs Moreno .

Ayon kay Kuya Germs wala ring assurance na kapag naoperahan si Ate Guy ay babalik pa rin ang magandang tinig nito. Mayroon daw chance pero walang assurance hangga‘t hindi naisasakatuparan ang operasyon.

Kumbaga let see, ‘yan ang namutawing pahayag mula kay Kuya Germs.

Talagang nasira raw ang boses ng nag-iisang Supertar. Ito raw ang resulta ng operasyon nito sa Japan. Kaya naman daw sa concert series ni Ate Guy sa Australia ay hindi nito nagawang umawit bagkus ay humingi na lang ng pasensiya sa mga nanood.

At kahit nga raw hindi nakaawit ang nag-iisang Superstar ay naging mainit pa rin ang pagtanggap dito ng kanyang loyal supporters at okey na sa mga ito na makita siya, makamayan, makapagpa-picture, at makapagpa-autograph. Karamihan nga raw sa mga ito’y lumuluha dahil sa sinapit ng kanilang idolo.

Sa ngayon ay wala pang tentative na dates kung kailan maooperahan si Ate Guy dahil sa laki ng halagang kakailanganin nito sa nasabing operasyon. Pero dagdag pa ni Kuya Germs, marami naman daw ang gustong tumulong kay Ate Guy kaya ‘di malabong maoperahan ito sa madaling panahon at maibalik ang dating ganda ng boses.






Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions