Headlines
SEN. MARCOS HUMANGA
Singkaban Fiesta tagumpay kahit nagtipid sa pondo

By Dino Balabo
Sep 10, 2010
MALOLOS—Matagumpay ang pagbubukas ng walong araw na Singkaban Fiesta sa Bulacan noong Miyerkoles ng umaga, Setyembre 8, sa kabila ng pagbabawas ng pondo sa taunang pagdiriwang.
Tinampukan ito ng mga pagsasayaw ng mga mag-aaral mula sa ibat-ibang pamantasan sa lalawigan; at sinaliwan ng mga tugtog ng mga musiko matapos ang isang Misa sa harap ng kapitolyo.
Hindi rin nagpatalo ang mga karosa na naglarawa ng ibat-ibang industriya at katangian ng ibat-ibang bayan at lungsod sa lalawigan.
Nagpahayag naman ng paghanga sa Bulacan si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagsilbing panauhing pandangal sa pagbubukas ng walong araw na piyesta na matatapos sa ika-15 ng Setyembre kung kailan ay gugunitain ang ika-112 taon ng pagbubukas ng Kongreso ng Malolos na nagsilang sa unang demokratikong republika sa Asya.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Gob. Wilhelmino Alvarado ang kagalakan sa matagumpay na pagbubukas ng pagdiriwang na dinaluhan ng mahigit libong Bulakenyo.
Sinabi niya na ang pagdiriwang ay isang paraan ng pag-alaala ng mga Bulakenyo sa kabayanihan ng mga ninunong nagbuwis ng buhay at pagpapahalaga sa makulay na sining, kalinangan at kasaysayan ng Bulacan.
Inayunan din ito ni Senador Marcos ng magpahayag siya ng paghanga sa Bulacan pagkatapos ay ipinagmalaki na siya man ay may dugong Bulakenyo.
“Makasaysayan ang Bulacan at ang kahangahangang mga mamamayan nito dahil sa panahon ng digmaan at maging sa pagsusulong ng kapayapaan ay nanguna ang Bulacan at mga Bulakenyo,” ani Marcos.
Ang tinutukoy ng batang Marcos ay ang pakikilahok ng mga rebolusyonaryo laban sa mga Kastila at Hapon sa panahon ng digmaan; at sa pagbubukas ng Kongreso ng Malolos na nagsulong ng kalayaan sa mapayapaang pamamaraan.
“Isang karangalan ang maging isang Bulakenyo,” ani ng Senador na nagmula sa Ilocos Norte.
Binigyang diin niya na siya man ay may dugong Bulakenyo dahil ang kanyang lola na ina ni dating Unang Ginang Imelda Marcos na ngayon ay kinatawan sa Kongreso ay nagmula sa bayan ng lalawigan.
Ayon sa batang Marcos, ang bulubunduking bayan ng Donya Remedios Trinidad (DRT) ay ipinangalan ng kanyang ama sa kanyang lola.
“Hinding-hindi ko makakalimutan ang DRT dahil noong itatag iyon at itinapat iyon sa aking birthday noong September 13, 1978,” ani Marcos.
Tinugon naman ng mga Bulakenyo ng masigabong palakpakan ang pahayag ng Senador na dating punong lalawigan ng Ilocos Norte.
Maaga pa ay nasa harap ng kapitolyo ng Bulacan ang libong Bulakenyo ay nagkakaisang dumalo sa isang Misa na pinamunuan ng mga paring Katoliko.
Pagkatapos ng Misa, nagsimula na ang pagbubukas ng ibat-ibang gawain para sa walong araw na pagdiriwang.
Hindi rin nagpatalo ang mga karosa na naglarawan ng ibat-ibang industriya at katangian ng ibat-ibang bayan at lungsod sa lalawigan.
Kabilang dito ang higanteng buntal hat ng Baliaug, ang pangunahing produkto ng nasabing bayan.
Sa kanyang maikling talumpati, ipinahayag ni Gob. Willy Alvarado ang kasiyahan sa tagumpay.
Una rito, inihayag ni Provincial Administrator Jim Valerio na kalahati lamang ng nakalaang pondong P20-milyon ang kanilang gugugulin para sa pagsasagawa ng pagdiriwang.
Ayon kay Valerio halos P10-milyon lamang ang kanilang gagastusin bukod pa sa nakatutok ang kanilang mga programa sa serbisyo publiko.
Matatandaan na bago pa magsimulang manungkulan si Alvarado bilang ika-31 gobernador ng lalawigan ay sinabi niya na gusto niya ay mga simpleng pagdiriwang lamang at ayaw niya ng magagarbong programa.

- 100,000 visitors expected at 17th Hot Air Balloon fest in Clark
- Near-violence at Hacienda Luisita as policemen, soldiers move into farms
- Enforce DOT guidelines, ATTAP urges city gov’t
- Comelec proclaims Ebdane as 2nd District rep of Zambales
- Palparan still in the country, will not surrender
- 7 international lawyers groups back Palparan arrest
- Porac VM to stick it out with mayor
- Batang pangarap maging pulis nasagasaan, patay
- 2 bodyguard patay
‘Bong Alvarez’ ligtas sa pamamaslang - Payo ni Robredo
Di lang mahusay, dapat ay matapat at matino ang pamamahala - Subic Freeport eyes P70-M income from Vale transshipment project
- Rally vs. Ebdane, itinanggi ng LP