Showbiz
“Hindi ko naging girlfriend si Kim Chui!” –GERALD ANDERSON
By Ceasar Pambid
Sep 08, 2010
Wala raw silang relasyon ni Kim Chui. Aside from a very special relationship dahil magka-loveteam sila, hanggang dun nga lang daw yun.
Finally nga, umamin na rin si Gerald Anderson sa tunay na relasyon nila ni Kim Chiu. ’Yun nga lang, hindi raw ito boyfriend-girlfriend thing kundi special relationship lamang.
Sa isang broadcast interview ni Gerald with Boy Abunda sa The Buzz naganap ang rebelasyon.
Tinanong ni Kuya Boy kung ano ba talaga ang namagitan o namamagitan sa kanila ni Kim at heto ang sagot ni Gerald:
“Sa amin ni Kim Chiu? Wow, paano ko ba sasabihin ito? Tito Boy, sa simula pa lang ng career ko, I was always open and vocal ako sa nararamdaman ko para kay Kim.
“Opo, nagkaroon po kami ng isang special relationship. We cared for each other. We were there for each other.
“Nagkaroon ba kami ng commitment? Hindi po. Hindi po kami boyfriend-girlfriend, but we had a special relationship.”
Hindi man diretsahang sinabi ni Gerald na break na sila, malinaw naman sa kanyang mga salita na natapos na ang ‘special relationship’ na iyon.
“Na-realize namin na bata pa kami. I’m only 21, si Kim, 20. Pero tingin ng iba sa amin, para kaming mag-asawa na.
“Sabi namin, ‘Ha? Sandali lang, sandali lang.’ Ang dami pa naming gustong ma-explore, ma-discover, ma-experience na kami lang. Para sa personal life namin, para mag-grow kami. Lahat, on TV and behind the camera,” pahayag ng young actor.
Naitanong din sa kanya ni Kuya Boy ang tungkol sa isyung nag-attempt ng suicide si Kim dahil sa breakup.
“Kilala ko po si Kim. Kayo po, ’yung viewers, fans, ’yung mga audience, kapag napanood n’yo si Kim sa isang interview, nakikita nila na isa siyang masayahing tao. Isa siyang bubbly person. Hindi magagawa ni Kim ’yon.
“She has so much to look forward to. Maraming nagmamahal sa kanya. And mahal niya ang mga kaibigan niya. Mahal niya ang career niya. Mahal niya ang pamilya niya. She loves herself,” pagtatanggol ni Gerald.
Nilinaw din ng young actor na hindi rin totoong pati sa trabaho ay maghihiwalay na sila ni Kim.
“Imposible ’yon. Tito Boy, four years po kami. Ito po kami,” he said saka pinagtabi ang mga kamay, “four years po kaming magka-loveteam. Sa fans, sobrang faithful po kami sa lahat.
“Sabihin natin in the future may mga project kami na hindi kami magkasama. But hindi po ibig sabihin na hindi na kami magsasama.”
In fact, may nakatakda raw silang gawing pelikula under Star Cinema na ididirehe ni Laurenti Dyogi at sobrang excited na raw sila dahil maganda ang story.
Sa tanong kung bakit ngayon lang siya nagsalita, sagot ni Gerald, “Gusto ko ganito. Siyempre, nu’ng nagsimula ’yung isyu na naghiwalay na raw kami ni Kim, paulit-ulit nga naming sinasabi na hindi nga po. Always po in our interviews. Ngayon po, medyo lumaki na ’yung issue. I said, gusto ko itong interview na ito para straight to the point.”
Tinanong din ni Kuya Boy ang young actor kung mahal pa nito si Kim and Gerald answered, “Of course. I will always care for her. Someone that special, someone that fragile, sweet. Para siyang isang Chinese angel. Ang sarap alagaan dahil aalagaan ka rin niya. Kung ano ’yung ibibigay mo sa kanya, minsan doble pa ’yung ibabalik niya sa iyo. Tulad ng sinabi ko dati, she will always be a part of my life.”
Hindi naitanong ni Kuya Boy kay Gerald ang isyung nililigawan nito si Bea Alonzo and we wonder why.

- Okey si Robin Padilla; no way na magpagamit kay Joey Marquez
- Gutom na gutom sa publisidad… Grace Lee todo ang paggamit kay PNOY
- “It’s Showtime” di raw makikipagkumpetisyon sa Eat Bulaga
- Enjoy-to-the-max kapuwa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang bagong teleserye
- Kris Aquino, Anne Curtis parehong payag makipaghalikan nang sobra kay Robin Padilla
- Nadine Samonte gusto nang mag-asawa pero mas pinapaboran muna ang career
- Robin Padilla, Mariel Rodriguez parang laging bagong kasal
- Rich Asuncion binalasubas ng Bb. Pilipinas Charities
- May kalandian talaga itong si Andi Eigenmann
- Unofficial pa raw kahit mature na ang relationship nina Angel Locsin at Phil Younghusband
- Jewel Mische ‘girlfriend sa dilim’ no more!
- Ynna Asistio kayang tapatan ang kayang gawin ni Anabelle Rama