Showbiz
Nakademanda… Mga tseke ni Diether Ocampo, nagsipagtalbugan
By Ceasar Pambid
Sep 06, 2010
Nakasilip kami ng isang news item tungkol sa mga inisyung bouncing checks ni Diether Ocampo. Narito po ang kabuuang news story written by a certain Ricky Tulipat. Tiyak na pagmumulan ng malaking kontrobersya ang naturang news item:
Nahaharap sa kontrobersiya si Diether Ocampo. Ito ay matapos siyang ipagharap ng kaso kasama ang kanyang business partner sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng balanse sa isang printing firm.
Ang kaso ay inihain ni Leonardo Uy Jr., general manager ng Velprint sa korte na lumapag sa sala ni QC RTC branch 219 presiding Judge Bayani Vargas.
Hiniling sa korte ng Velprint corporation na obligahin ang kampo ng aktor na magbayad sa kanila ng P3.6 milyon dahil sa hindi nito pagbabayad ng kabuuan ng pag-imprenta ng Uno magazine.
Sa tatlong pahinang reklamo, sinabi ng Velprint na kinontrata sila ni Ocampo, mga partner na si Neil Angelo Romero at ng 5 Leaf Publishing
Corp., para mag-imprenta ng UNO magazine mula Hunyo 2, 2009 hanggang Disyembre 28, 2009.
Ang kontrata ay nagkakahalaga ng P4,124.970 at covered ng post dated checks, ngunit matapos ang kanilang trabaho at ang naibayad ng kampo ni Ocampo sa kanila ay P490,000 at tumalbog pa ang ibang tseke.
Dahil dito, hanggang Hulyo 22, 2010 ay may pagkakautang pa umano sa kanila ang aktor at partners nito ng kabuuang P3,643,970.
“Ocampo, Romero and 5 Leaf Publishing Co. jointly drew and delivered seven Metrobank checks amounting to over P4 million to pay for the printing job. But their checks were dishonored by their drawee bank when presented for payment in the maturity date of their checks on the ground ‘drawn against insufficient funds’,” sabi sa reklamo ng Velprint.
Sa kabila ng paulit-ulit umanong pakiusap ng Velprint na bayaran ng kampo ng aktor ang natitirang utang sa kanila, nabigo pa rin ang mga itong ibigay ang nabanggit na halaga.Bukod sa principal na halaga, hiniling din ng kumpanya na pagbayarin ng 18% kada taon na interes at 25% ng kabuuang attorney’s fees at gastos sa litigasyon ang kampo nina Ocampo.

- Okey si Robin Padilla; no way na magpagamit kay Joey Marquez
- Gutom na gutom sa publisidad… Grace Lee todo ang paggamit kay PNOY
- “It’s Showtime” di raw makikipagkumpetisyon sa Eat Bulaga
- Enjoy-to-the-max kapuwa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang bagong teleserye
- Kris Aquino, Anne Curtis parehong payag makipaghalikan nang sobra kay Robin Padilla
- Nadine Samonte gusto nang mag-asawa pero mas pinapaboran muna ang career
- Robin Padilla, Mariel Rodriguez parang laging bagong kasal
- Rich Asuncion binalasubas ng Bb. Pilipinas Charities
- May kalandian talaga itong si Andi Eigenmann
- Unofficial pa raw kahit mature na ang relationship nina Angel Locsin at Phil Younghusband
- Jewel Mische ‘girlfriend sa dilim’ no more!
- Ynna Asistio kayang tapatan ang kayang gawin ni Anabelle Rama