Today's Punto
Today's Punto
Opinion
‘Synchronized Barangay & SK Election,’ tuloy?
By Felix M. Garcia

Sep 06, 2010

At marahil kahit sa anumang puesto
Ay di na rin magka-interes siguro
Ang nakararami kung wala ng sueldo
Na matatanggap sa serbisyo publiko.

Pagkat sa ngayon ay (di po nilalahat
Ng aba n’yong lingkod) sueldo lang ang hangad
Nitong halos lahat ng gustong humawak
Ng katungkulan sa ating komunidad.

Pero kung ika mo ay makapagsilbi
Ng tapat, ang habol ng nakararami,
Yan ay taasan po nating masasabi
Na tunay naman din yatang imposible.

Pagkat di lingid sa ating mamamayan
Ang kawalan n’yan ng interes kung minsan
Sa opisyal nilang gampanin, kundi man
Ang iba’y talagang walang nalalaman.

Kung ano ang dapat nilang trabauhin
Para sa barangay o ‘constituents’ na rin
Na nakapaloob sa mga gampanin
Ng isang halal na opisyal po natin.

Gaya na lang ng pagdaraos ng sesyon
Na kabilang sa opisyal nilang ‘functions,’
Di lingid ang ‘practices’ ng iba ngayon,
Ang ni isa ay di sila nagkaroon

Sa loob ng isang taong nilakaran
Ng pagiging Kagawad n’yan o Kapitan,
Kaya suma total, pera lang bayan
Ang nagagamit ng walang katuturan.

Papano nga kasi mas nakararami
Itong opisyal na, (sa madaling sabi),
Ay pagkakitaan lang ang hangad kasi
At hindi ang seryosong makapagsilbi.

At ang hangarin lang marahil ng iba
Ay magkaroon yan ng pirmihang kita
Sa magiging puesto kapag pinalad na
Maging Kapitan o Kagawad kumbaga.

At talagang namang mabibilang natin
Sa daliri itong tapat sa gawain
At handang ibigay pati ang sariling
Oras at propesyon dahil sa tungkulin.

Di ko ninanais saktan ang sinuman
Na posibleng nasagi o tinamaan,
Kundi ang atin ay paalala lamang
Sa lahat ng mga gustong manungkulan

Na ang pagpasok sa serbisyo publiko
Ay di hanapbuhay kundi sakripisyo,
At kung saan pati pribadong buhay mo
Ay posibleng damay sa harap ng tao.

Kaya kung ikaw ay di handang pumasan
Ng anuman ng ni di mo mapagkunan
Ng iyong sariling kapakinabangan,
Huag nang pasukin ang bagay na naturan.

Pagkat kagaya nga ng ating nasabi
Ya’y di isang bagay na napakasimple,
Dala na rin nitong ang buhay mo pati
Ay nakataya sa iyong pagsisilbi.

At di gaya nitong ating nakikita
Sa ating paligid na mas inuuna
Ng nakararami ang kanilang bulsa,
Kaysa maglingkod ng matapat sa masa!

(Kasi nga propesyon o hanapbuhay na
Ng ibang barangay official, di po ba?
Kaya’t sumugal man ng malaking pera,
Tuwing halalan ay humahabol sila?








Other Articles on this Category
DISCLAIMER: Views expressed in this section are those of the readers and do not necessarily reflect the editorial position of punto.com. Punto.com does not knowingly publish false information and may not be held liable for the views of readers exercising their right to free expression.

Before posting any comment, please read our editorial policy. Posts that do not conform to our guidelines will be deleted by the moderator.
COMMENTS
Be the first one to put a comment
Powered by:
TeamSoft Web Solutions