Headlines
Lalaking drug pusher huli
By Ernie B. Esconde
Sep 06, 2010
HERMOSA, Bataan – Isang madamdaming tagpo ang nasaksihan sa police station dito kamakalawa ng gabi kung saan ipinagtanggol ng lalaki ang kanyang asawa na diumano’y walang kasalanan. Niyakap at hinalikan ng lalaking nakaposas ang babaing tumatangis habang siya’y dinadala sa police car.
Ang lalaki ay si Ramon Jamir, 45, samantalang ang babae ay ang live-in partner niyang si Divina Corpus, 49. Sila’y nakatira sa barangay Culis, Hermosa.
Nahuli diumano ang lalaki sa isang buy-bust operation at nakumpiska sa kanya ang dalawang sachet ng shabu at dalawang P500-bills na marked money.
Habang nasa police station ang lalaki, dumating ang babae at tinangka nitong suhulan ng P30,000 ang mga pulis kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso laban sa asawa, ani Chief Insp. Jeremias Dayo, Jr., Hermosa police chief.
“Walang kasalanan ang asawa ko, huwag ninyo siyang ikulong kawawa ang anak ko, ipinautang ko lang ang pera,” sabi ni Jamir habang patuloy sa pagluha ang babae. Ayaw naman nitong sagutin ang tanong na kung para saan ang pera.
Itinanggi rin ng lalaki na gumagamit siya ng shabu. Patuloy ang pagtatanggol niya sa asawa na diumano’y walang kasalanan.
Inihahanda na ng pulisya ang karampatang kaso laban sa mag-asawa. Binati naman ni Senior Supt. Arnold Gunnacao, Bataan police director, ang pulisya ng Hermosa dahil sa magandang ginawa ng mga ito.

- Senate approves Mabalacat cityhood on 2nd reading
- February 7 hearing of Lapid’s wife deferred
US lawyer says Marissa unaware she would be arrested in US - AFP chief turns over North Luzon command, vows to “show no mercy” on erring soldiers
- Mga insidente ng carnapping, wala na daw kinalaman sa mga Dominguez
- Olongapo City conduct reef monitoring
- AFP chief says no victory in military option, puts peace process as priority
- Red tide continues to affect Bataan
- Motorsiklo sumuot sa container van, magkasintahan patay
- Buhay ni Ka Blas, tagumpay ng isang ‘promdi’
- Dragon Boat competition, ginawa sa huling araw ng Ibon Ebun- Festival sa Candaba
- SM MALLS SHINE AT PRA AWARDS
- Gov opens P10-M Arayat hospital
First-ever major rehab in 35 years