Headlines
Matandang babae natagpuang patay sa tabi ng ilog
By Ernie B. Esconde
Sep 06, 2010
DINALUPIHAN, Bataan – Isang matandang babae ang natagpuang patay kamakailan sa madamong bahagi sa tabi ng ilog at lupang sakahan sa barangay Layac, dito.
Ayon kay Boyet Rafanan, una nilang nakita ang babae sa tabi ng ilog umaga pa lamang na akala nila’y mangunguha lamang ng kulitis na panggulay. Tanghali na, aniya, at mainit na ang araw ay nakaupo lamang ito at hindi umaalis.
Nang puntahan nila umano ito ay nilalanggam na sa bibig kaya inireport na nila sa mga opisyal ng barangay na tumawag naman ng pulis.
“Walang may kagagawan, walang foul play sa kamatayan ng matanda na may dalang maraming damit at gamot sa bag niya na first time lamang naming nakita sa lugar na ito,” ani Rafanan.
Sinabi ni PO1 Jefferson Imperial ng Dinalupihan police na nakilala nila ang biktima na si Belen Esguerra, 66, ng Olongapo City, sa pamamagitan ng mga identification cards nito. Sa autopsy report, aniya, ay namatay ito sa sakit.
Dinala ang bangkay sa isang punerarya sa Dinalupihan kung saan kinuha ito ng mga kamag-anak at dinala sa Olongapo City.

- Senate approves Mabalacat cityhood on 2nd reading
- February 7 hearing of Lapid’s wife deferred
US lawyer says Marissa unaware she would be arrested in US - AFP chief turns over North Luzon command, vows to “show no mercy” on erring soldiers
- Mga insidente ng carnapping, wala na daw kinalaman sa mga Dominguez
- Olongapo City conduct reef monitoring
- AFP chief says no victory in military option, puts peace process as priority
- Red tide continues to affect Bataan
- Motorsiklo sumuot sa container van, magkasintahan patay
- Buhay ni Ka Blas, tagumpay ng isang ‘promdi’
- Dragon Boat competition, ginawa sa huling araw ng Ibon Ebun- Festival sa Candaba
- SM MALLS SHINE AT PRA AWARDS
- Gov opens P10-M Arayat hospital
First-ever major rehab in 35 years