Opinion
‘Synchronized Barangay & SK Election,’ tuloy?
By Felix M. Garcia
Sep 03, 2010
Mahigit isang buwan na lang mula ngayon
Ang ating Barangay at SK Election,
Pero tila di pa rin lubos matukoy
Ng marami kung ito ay matutuloy
Sapagkat may ilang mga mambabatas
Na gustong iliban muna o ilipat
Ang petsa n’yan, dahil yata sa ilang sukat
Amyendahan at/o tuldukan na dapat.
Gaya nitong panukalang pagbasura
Na ng tuluyan sa SK (at iba pa?),
Kung saan malinaw namang makikita
Ang kawalan na ng silbi n’yan kumbaga.
Sa kadahilanang may mga Kagawad
Na ang bawat Punong Barangay sa lahat
Ng komunidad ng bayan man o siyudad,
Na laging katuwang sa pamamalakad
Ng Kapitan, kaya ano pang papel n’yan
Kundi magbilang lang ng poste sa daan?
(Bihira ang SK sa kasalukuyan
Na may proyekto sa kanilang barangay)
Kaya hanggang sa matapos ang termino
Ng ibang SK Chair at Kagawad nito,
Baka ni isa mang payak na proyekto
Ay walang nagawa habang nasa puesto.
Kaya’t sa puntong yan, kung paka-suriin
Ay dagdag gastos lang sa gobyerno natin
Ang paghalal pa ng ganitong tungkulin,
Kaya marapat na sigurong alisin.
At talaga namang kung paka-tuusin
Ay tunay naman pong ya’y dagdag pasanin
Sa pamahalaan o sa atin na rin,
Ang SK at ibang opisyal po natin.
Na walang ginawa kundi ang umasa
Sa buwanang sahod n’yan o honoraria,
Liban sa ibang puedeng pagkakitaan pa
Nitong matatalas ang ‘blade’ sa dilhensya.
Pero pagdating sa marapat gampanan
Ay madalang ang tunay na maasahan;
May instansya kasing pati pagadalo n’yan
Sa kanilang sesyon, kinatatamaran!
At di lamang SK ang sa ganang amin
Ang kinakailangang tuldukan marahil
Kundi pati na ang ilang opisyal din
Na wala rin namang silbi ang tungkulin.
At ibalik na lang kagaya sa dati
Ang patakaran sa gagawing pagpili
Sa magiging “Tininti del Baryu” muli,
Na di kailangang gumastos ng salapi.
Dahil ang pagboto’y idinadaan lang
Sa pamamarang itataas lamang
Ang kanang kamay ng may gusto kay Juan,
Ganun din itong kay Pedro o kay Teban.
Kung saan ang sinumang mahahalal
Ay walang sueldo at anumang ‘allowance;’
At bukod tanging ang “Tininti” na lamang
Ang mag-isang hahawak ng katungkulan.
Aywan lang, kung mayrung magkukumahog pa
Para humabol kung si Kap ay hindi na
Makatatanggap ng kanyang honoraria
Mula sa gobyerno at iba pang kita.
(May karugtong)
Ang ating Barangay at SK Election,
Pero tila di pa rin lubos matukoy
Ng marami kung ito ay matutuloy
Sapagkat may ilang mga mambabatas
Na gustong iliban muna o ilipat
Ang petsa n’yan, dahil yata sa ilang sukat
Amyendahan at/o tuldukan na dapat.
Gaya nitong panukalang pagbasura
Na ng tuluyan sa SK (at iba pa?),
Kung saan malinaw namang makikita
Ang kawalan na ng silbi n’yan kumbaga.
Sa kadahilanang may mga Kagawad
Na ang bawat Punong Barangay sa lahat
Ng komunidad ng bayan man o siyudad,
Na laging katuwang sa pamamalakad
Ng Kapitan, kaya ano pang papel n’yan
Kundi magbilang lang ng poste sa daan?
(Bihira ang SK sa kasalukuyan
Na may proyekto sa kanilang barangay)
Kaya hanggang sa matapos ang termino
Ng ibang SK Chair at Kagawad nito,
Baka ni isa mang payak na proyekto
Ay walang nagawa habang nasa puesto.
Kaya’t sa puntong yan, kung paka-suriin
Ay dagdag gastos lang sa gobyerno natin
Ang paghalal pa ng ganitong tungkulin,
Kaya marapat na sigurong alisin.
At talaga namang kung paka-tuusin
Ay tunay naman pong ya’y dagdag pasanin
Sa pamahalaan o sa atin na rin,
Ang SK at ibang opisyal po natin.
Na walang ginawa kundi ang umasa
Sa buwanang sahod n’yan o honoraria,
Liban sa ibang puedeng pagkakitaan pa
Nitong matatalas ang ‘blade’ sa dilhensya.
Pero pagdating sa marapat gampanan
Ay madalang ang tunay na maasahan;
May instansya kasing pati pagadalo n’yan
Sa kanilang sesyon, kinatatamaran!
At di lamang SK ang sa ganang amin
Ang kinakailangang tuldukan marahil
Kundi pati na ang ilang opisyal din
Na wala rin namang silbi ang tungkulin.
At ibalik na lang kagaya sa dati
Ang patakaran sa gagawing pagpili
Sa magiging “Tininti del Baryu” muli,
Na di kailangang gumastos ng salapi.
Dahil ang pagboto’y idinadaan lang
Sa pamamarang itataas lamang
Ang kanang kamay ng may gusto kay Juan,
Ganun din itong kay Pedro o kay Teban.
Kung saan ang sinumang mahahalal
Ay walang sueldo at anumang ‘allowance;’
At bukod tanging ang “Tininti” na lamang
Ang mag-isang hahawak ng katungkulan.
Aywan lang, kung mayrung magkukumahog pa
Para humabol kung si Kap ay hindi na
Makatatanggap ng kanyang honoraria
Mula sa gobyerno at iba pang kita.
(May karugtong)
- Oca’s choice
- Earthquake: When ground shakes
- Oca, ikinumpara sa isang maningning na tala
- Today in history
Spud Webb wins dunk contest - Gas-trapped
- Look at the brighter side
- Ing bie tsuper
- Extravaganza
- Mining: To ban or not to ban
- ‘Plunder case’ laban kay Lapid, posibleng buhayin ulit
- Today in history
The Music dies in an Iowa cornfield - Mind-blowing
|
||
|
||
|



