Showbiz
‘I’ll go wherever Robin takes me!’ –MARIEL
By Ceasar Pambid
Aug 27, 2010
Nagpahayag ng kanyang masidhing damdamin si Mariel Rodriguez tungkol sa kanilang pag-ibig ni Robin Padilla.
Bagama’t inamin naman ni Mariel na isang malaking risk ang kanyang ginawang pag-iwan sa trabaho at pagbabakasyon kasama si Robin, hindi raw niya pinagsisisihan ang kanyang desisyon.
“I’m taking a risk. It is a risk kasi hindi ko alam kung ano pa ba ang mababalikan ko. Sana makabalik pa rin ako sa ginagawa ko. I’m really happy. I do not regret the decision I made. Finally, I’m going to be able to do what I want. Finally, I want something for myself,” pahayag ni Mariel.
Sa tono ng TV host ay parang magpapakasal na siya kaya naman isa rin ito sa naitanong sa kanya ni Bianca.
Ilang sandaling hindi nakasagot si Mariel habang panay ang sabi ng “teka” na tila nag-aapuhap ng sasabihin. Pagkatapos mag-isip ng ilang minuto, aniya, “Kung ano ang gusto nilang isipin. At this point, parang I’ll just go where life takes me. Gusto kong mag-joke pero parang hindi appropriate. Gusto kong sabihin na bahala na si Batman o bahala na si Robin,” she said laughing.
“We’ll see pagbalik ko. Pagbalik ko, tsikahin ko kayo ulit. You know, Robin said, kapag kami ang nagpakasal, kung magpapakasal kami, hindi namin ito isisikreto. In fact, sasabihin namin,” dug-tong pa niya.
Nang tanungin ni Bianca kung hindi ba siya nang-hihinayang sa showbiz career niyang mawawala kung sakali, sagot ng TV host, “but I also have my personal dreams as Mariel. Kasi feeling ko, at the end of the day, ‘yon din naman ‘yon, e. Para saan ba ‘yong pagiging career woman na ginagawa natin? Para ma-attain natin ‘yun as a person natin na dream, ’di ba? E, kung puwede ko naman i-try na gawin ‘yung gusto ko, hindi naman siguro masama ‘yun. Baka naman puwede namang maging masaya.”
Sa nasabing panayam ay kinumpirma niyang na-raranasan niya rin ngayon ang prinsesa treatment mula kay Robin Padilla. Dito talaga kasi noted ang action star – sa pagtratong prinsesa sa kanyang mga naka-karelasyon.
“Simple, little things. Like, I thought kasi hindi na uso ‘yung opening the car. He’d rather die than let me open my door,” kuwento niya.
Sa nasabing interview pa rin ay hindi masabi ni Mariel kung kailan ang balik nila sa ’Pinas.

- Okey si Robin Padilla; no way na magpagamit kay Joey Marquez
- Gutom na gutom sa publisidad… Grace Lee todo ang paggamit kay PNOY
- “It’s Showtime” di raw makikipagkumpetisyon sa Eat Bulaga
- Enjoy-to-the-max kapuwa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang bagong teleserye
- Kris Aquino, Anne Curtis parehong payag makipaghalikan nang sobra kay Robin Padilla
- Nadine Samonte gusto nang mag-asawa pero mas pinapaboran muna ang career
- Robin Padilla, Mariel Rodriguez parang laging bagong kasal
- Rich Asuncion binalasubas ng Bb. Pilipinas Charities
- May kalandian talaga itong si Andi Eigenmann
- Unofficial pa raw kahit mature na ang relationship nina Angel Locsin at Phil Younghusband
- Jewel Mische ‘girlfriend sa dilim’ no more!
- Ynna Asistio kayang tapatan ang kayang gawin ni Anabelle Rama