Opinion
Di lang ‘Pambansang Wika’
By Felix M. Garcia
Aug 27, 2010
Kaugnay po ng ating Buwan ng Wika
Ay minarapat ng aba n’yong Makata,
Ang pamuling sumulat ng isang tula
Na nauukol sa Pambansang Salita
Na marapat nating isisip tuwina
Bilang siyang tunay nating lingua franca
Dito sa ‘ting bansa upang ang balana
Na may katutubong salitang kanila
Ay madali silang magkaunawaan
Sa iisang Sabing nai-intindihan
Ng lahat, maging ng nasa kabundukan
O taga-lungsod at ibang lalawigan
Sa dahilang di lang limampung salita
Ang ating gamit sa ating Inang Bansa,
Gaya na nga lamang po riyan halimbawa
Ng Pangasinense at nitong Bisaya
Na posibleng hindi puedeng magkausap
Kundi sa iisang Sabi magka-usap;
Kaya’t ang pambansang wika’y binalangkas
Ng gobyerno bunsod ng ganyang hinagap
Na mapadali ang anumang transaksyon
Nitong bawat isang hindi magka-rehiyon
Sa pamamagitan ng akda ni Quezon,
Na tayo ay nararapat magkaroon
Ng iisang wika, at kung saan nga po
Sa sabing Tagalog sila nagkasundo;
Kung saan ito ang siyang ituturo
Sa batang iskwela sa lahat ng dako.
Na nang lumaon ay naging Pilipino
Ang katawagan sa lingua francang ito,
Bunsod na rin ng minsa’y pabago-bago
Ang pina-iiral ng ating gobyerno.
At kung saan nitong si Sec Jesli Lapus
Ang siyang ika nga ay naging DepEd boss,
Sa ngayon di na lang salitang Tagalog
Ang dapat ituro sa lahat ng sulok
Kundi pati na rin kinagisnang wika
Ng sinuman, lalo’t nitong mga bata
Na siyang unang dapat na makaunawa
Sa katutubo niyang minanang salita.
Bago pumalaot sa dako pa roon
Sa paghahangad ng tamang edukasyon,
Pagkat darating din naman ang panahon
Na matututo yan sa alin mang rehiyon.
Kaya kaugnay n’yan, bilang Kapampangan
Ang sariling ating Sabing kinagisnan
Ay patuloy na pinangangalagaan
Sa ating probinsya sa kasalukuyan.
Kung saan ang ating World Class City Mayor,
Na siyang Presidente rin ng Liga ngayon
Ng mga City Mayors sa buong rehiyon
Itong nangunguna r’yan sa preserbasyon
Ng ating sariling wika sa Pampanga,
Liban sa ilang tanyag na Pamantasan pa;
Gaya ng HAU, AUF at saka
Ang U.P. sa Clark at marami pang iba.
At kung saan upang manatiling buhay
Sa Pampanga ang salitang kinagisnan,
Si Mayor Oca ang kauna-unahang
Nagbukas dito ng mga paligsahan
(May karugtong)
Ay minarapat ng aba n’yong Makata,
Ang pamuling sumulat ng isang tula
Na nauukol sa Pambansang Salita
Na marapat nating isisip tuwina
Bilang siyang tunay nating lingua franca
Dito sa ‘ting bansa upang ang balana
Na may katutubong salitang kanila
Ay madali silang magkaunawaan
Sa iisang Sabing nai-intindihan
Ng lahat, maging ng nasa kabundukan
O taga-lungsod at ibang lalawigan
Sa dahilang di lang limampung salita
Ang ating gamit sa ating Inang Bansa,
Gaya na nga lamang po riyan halimbawa
Ng Pangasinense at nitong Bisaya
Na posibleng hindi puedeng magkausap
Kundi sa iisang Sabi magka-usap;
Kaya’t ang pambansang wika’y binalangkas
Ng gobyerno bunsod ng ganyang hinagap
Na mapadali ang anumang transaksyon
Nitong bawat isang hindi magka-rehiyon
Sa pamamagitan ng akda ni Quezon,
Na tayo ay nararapat magkaroon
Ng iisang wika, at kung saan nga po
Sa sabing Tagalog sila nagkasundo;
Kung saan ito ang siyang ituturo
Sa batang iskwela sa lahat ng dako.
Na nang lumaon ay naging Pilipino
Ang katawagan sa lingua francang ito,
Bunsod na rin ng minsa’y pabago-bago
Ang pina-iiral ng ating gobyerno.
At kung saan nitong si Sec Jesli Lapus
Ang siyang ika nga ay naging DepEd boss,
Sa ngayon di na lang salitang Tagalog
Ang dapat ituro sa lahat ng sulok
Kundi pati na rin kinagisnang wika
Ng sinuman, lalo’t nitong mga bata
Na siyang unang dapat na makaunawa
Sa katutubo niyang minanang salita.
Bago pumalaot sa dako pa roon
Sa paghahangad ng tamang edukasyon,
Pagkat darating din naman ang panahon
Na matututo yan sa alin mang rehiyon.
Kaya kaugnay n’yan, bilang Kapampangan
Ang sariling ating Sabing kinagisnan
Ay patuloy na pinangangalagaan
Sa ating probinsya sa kasalukuyan.
Kung saan ang ating World Class City Mayor,
Na siyang Presidente rin ng Liga ngayon
Ng mga City Mayors sa buong rehiyon
Itong nangunguna r’yan sa preserbasyon
Ng ating sariling wika sa Pampanga,
Liban sa ilang tanyag na Pamantasan pa;
Gaya ng HAU, AUF at saka
Ang U.P. sa Clark at marami pang iba.
At kung saan upang manatiling buhay
Sa Pampanga ang salitang kinagisnan,
Si Mayor Oca ang kauna-unahang
Nagbukas dito ng mga paligsahan
(May karugtong)
- Gas-trapped
- Look at the brighter side
- Ing bie tsuper
- Extravaganza
- Mining: To ban or not to ban
- ‘Plunder case’ laban kay Lapid, posibleng buhayin ulit
- Today in history
The Music dies in an Iowa cornfield - Mind-blowing
- Ang pagbabalik ng gobyerno sa power generation
- Lumalaon di umiigi, sumasama pa sa dati
- Today in history
Columbia mission ends in disaster - Spare media
|
||
|
||
|



