Today's Punto
Today's Punto
Showbiz
Enter Bong and Vic… Dalawang giant stars ang kapalit ni Robin Padilla sa career ni Toni Gonzaga
By Ceasar Pambid

Jul 26, 2010

Sanga-sanga ang mga tsismis tungkol sa pagka-shelve ng project nina Robin Padilla at Toni Gonzaga. As of now, yung kina Mariel at Robin ang matutuloy at ang lahat ng ito ay isinisisi kay Mariel who supposedly ask Robin na ‘wag nang gawin yung kina Robin at Toni.

Ayaw daw ni Robin na may boyfriend ang leading lady kaya umatras na lang ang sikat na action star.

Pero hindi kami naniniwala na ito ang rason ni Robin kaya hindi natuloy ang movie sanang pagsasamahan nila ni Toni.

Sabi kasi ng business manager ni Robin, hintayin na lang daw ang magiging pahayag ng action star.

Say pa ni Toni, hanggang hindi sa bibig mismo ni Robin niya maririnig ang naturang pahayag, hindi siya maniniwala na ’yun talaga ang dahilan ng aktor.

And speaking of Toni Gonzaga, hindi siya dapat manghinayang sa pagkawala ni Robin sa kanyang buhay.

May nakarating kasi sa amin na siya raw ang napipisil na maging leading lady ni Sen. Bong Revilla sa Agimat ni Enteng movie na pagsasamahan nila ni Vic Sotto na intended sa Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Andeng Bautista Ynares, isa si Toni na balak ipartner kay Bong sa Agimat ni Enteng, pero ang problema ay baka hindi pumayag si Vic na makasama sa movie si Toni.

Until now ay wala pa rin napipisil kung sino ang magiging ka-love interest ni Bossing Vic sa Agimat ni Enteng.

Dapat daw ay si Kristine Hermosa, na leading lady ni Bossing sa Enteng Kabisote, pero ikakasal na ito kay Oyo Boy kaya hindi maganda ang dating.

Ang sure, gumigiling na ang camera para sa first movie na pagsasamahan ng dalawang higanteng aktor na laging magkalaban sa takilya ang mga pelikulang isinasali sa MMFF.




Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions