Showbiz
Pokwang di apektado sa pagbabalik ni Willie Revillame sa Wowowee
By Ceasar Pambid
Jul 26, 2010
Dahil hayagan ang pagkalaban ni Pokwang kay Willie Revillame, heto ngayon at di umano, babalikan siya ni Willie Revillame.
Kakabit kasi ng balitang babalik na si Willie Revillame sa Wowowee ay ang balitang hiniling raw niya sa ABS-CBN management na palitan na ang ilan sa mga female co-host niya, numero uno na rito si Pokwang.
Sa taping ng Banana Split ay nagbigay ng reaction si Pokwang tungkol dito.
“Kung yun talaga ang nararapat na gusto ng management, di tanggapin na natin, hindi ba? Tuloy lang ang trabaho. Kung may trabaho, e, di tuloy. Kung wala, e, di pahinga,” turan niya.
Wine-welcome daw niya ang pagbabalik ng TV host dahil hindi naman daw niya pagmamay-ari ang show at hindi sa kanya ang ABS-CBN. Dapat daw tanggapin kung sino ang umaalis at bumabalik.
Pero kaya ba nilang patakbuhin ang show kahit wala si Willie?
“Ilang beses na bang nawala si Kuya, hindi ba? Nandito lang kami para ituloy ang trabaho para patuloy na sumusuweldo yung mga taong mas maliit pa ang kinikita sa amin,” sabi niya.
Wala raw silang komunikasyon sa ngayon ni Willie.
“Alam mo, hindi kami palaging ganito. Darating ang panahon talagang magkakaayos din kami. Ang hindi lang maganda kasi pinapalala ng mga nasa paligid,” aniya.
Totoo bang sinabi nila ni Mariel Rodriguez na aalis sila kung babalik si Willie Revillame?
“Pag pinaalis kami, di aalis kami. Tingnan natin kung ano talaga ang mangyayari. Wala kaming sinasabing ganoon. Ayaw ko nang magsalita,” sambit ni Pokwang.

- Kris Aquino, Anne Curtis parehong payag makipaghalikan nang sobra kay Robin Padilla
- Nadine Samonte gusto nang mag-asawa pero mas pinapaboran muna ang career
- Robin Padilla, Mariel Rodriguez parang laging bagong kasal
- Rich Asuncion binalasubas ng Bb. Pilipinas Charities
- May kalandian talaga itong si Andi Eigenmann
- Unofficial pa raw kahit mature na ang relationship nina Angel Locsin at Phil Younghusband
- Jewel Mische ‘girlfriend sa dilim’ no more!
- Ynna Asistio kayang tapatan ang kayang gawin ni Anabelle Rama
- Lalaban na kay Amy Perez??? Atty. Persida Acosta araw-araw na sa television!
- Kagagawan ni Willie Revillame… Isang araw na umulan ng pera sa Novaliches
- Hataw ang ratings ng Eat Bulaga sa buong bansa
- May mga eksenang hubo’t hubad kapuwa sina Angel Locsin at John Lloyd sa kanilang upcoming movie