Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home/punto_com_ph/punto.com.ph/lib/class.template.php on line 93

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home/punto_com_ph/punto.com.ph/lib/class.template.php on line 93

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home/punto_com_ph/punto.com.ph/lib/class.template.php on line 93

Warning: Invalid argument supplied for foreach() in /home/punto_com_ph/punto.com.ph/lib/class.template.php on line 93
Punto! Central Luzon -
Today's Punto
Today's Punto
Headlines
600,000 sa 1.2-M magtatapos sa Tesda, nakatitiyak ng trabaho
By Dino Balabo

Jan 27, 2012

MALOLOS CITY—Umaasa ang Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) na aabot sa 600,000 sa tinatayang 1.2-milyong mag-aaral nilang  magtatapos sa taong ito ang magkakatrabaho.

Ito ay matapos pagtibayin ni Pangulong Aquino ang alokasyong P1.1-bilyon para sa mga pagsasanay at iskolarship sa edukasyong teknikal.

“This is another option for our young people today.  There are great opportunities in technical education,” ani Joel Villanueva, director-general ng Tesda. matapos ang pagbubukas ng Regional Skills Competitions (RSC)sa lungsod na ito noong Miyerkoles.

Ayon kay Villanueva, hindi sa minamaliit nila ang college education, sa halip ay ipinakikita lamang nila ang panibagong career path sa mga kabataang Pilipino.

Ipinaliwanag niya na ang P1.1-bilyong  alokasyon ay gagamitin nila sa pagsasanay at iskolarship ng mga kabataang nais pumasok sa business process outsourcing (BPO) sector kung saan ay P500-milyon ang inilaan; at para sa mga sector ng turismo, semiconductor, pagsasaka at construction kung saan ay P600-milyon ang inihanda.

Batay sa pahayag ng director- general, aabot sa 65,000 call center agents, software developers at health information officers (dating kilala bilang medical transciptionists) na pawang nasa ilalim ng sektor ng BPO ang bibigyan ng pagsasanay at iskolarship.

“Good thing about the BPO sectors is that, 70 percent or 45,000 trainees will be automatically employed,” ani Villanueva.

Ipinagmalaki rin niya na 80 porsyento ng mga software developers na sumailalim sa pagsasanay at sinertipikahan ng Tesda ang agad na nagkakaroon ng trabaho sa mga nagdaang taon.

“This year, we are aiming at 55 percent employment rate for our 1.2 million graduates, and next year, we are looking at 60 percent employment,”  ani Villanueva.

Ikinumpara din ni Villanueva ang bilang ng mga nagkatrabaho na nagsitapos sa Tesda sa mga nagtapos ng apat na taong kurso sa kolehiyo.

Sinabi niya na halos 37 porsyento lamang ng mga nagsisipagtapos sa kolehiyo ang nagkakatrabaho, at ito ay nangangahulugan na ang nalalabing 63 porsyento ay under-employed o hindi akma sa tinapos na kurso ang trabaho.

“I’m not saying that a college degree is no longer important, I am just proud that our graduates are employable and are doing well because they possess proper skills needed by the industries,” aniya.

Ipinagmalaki rin niya na halos 55 porsyento ng mga maritime personnels na nagsisipaglayag ngayon sa mga karagatan ng mundo ay pawang mga Pilipino at karaniwan nito ay mga sinertipikahan ng Tesda ang kakayahan.

Hinggil sa industriya ng semiconductors, sinabi ni Villanueva na naghanda na sila ng P60-M para sa pagsasanay may 9,000 kabataan matapos ang paglagda sa kasunduan sa Semi-conductor Association of the Philippines.

Sa kabila ng malawakang pagsasanay na inihanda ng Tesda, inamin ni Villanueva na kapos pa rin sa mga skilled workers ang bansa, partikular na sa industriya ng BPO at semi-conductor.

“That’s one of the reasons why we are trying to encourage Nursing graduates to undergo training with us and be part of the BPO industry as health information officers,” ani Villanueva.

Bukod sa mga pagsasanay na inihanda, sinabi ni Villanueva na nakikipag-unayan sila ng mga lider ng ibat-ibang induistriya para sa pagbuo ng mga panibagong pagsasanay na magpapataas ng antas ng kakayahan ng mga manggagawang Pilipino.

Ayon kay Villanueva, ang mga pagsasanay na ito ay bahagi ng kanilang paghahanda para sa posibleng epekto ng anti-outsourcing law na kasalukuyang isinisulong sa Kongreso ng Amerika.

“Tiyak na maapektuhan tayo ng US legislation, kaya we have to create new training programs and opportunities,” banta ni Villanueva.

Other Articles on this Category
Powered by:
TeamSoft Web Solutions